Rank No. 1 most wanted person ng Donsol arestado

SORSOGON CITY – Arestado ang 38-anyos na magsasaka makaraang hainan ito ng kanyang arrest order sa kasong panggagahasa.

Ilang taong nagtago sa batas si Jose Vito Anonuevo, residente ng Brgy Pangpang, Donsol. Itinuturing din ito ng Donsol PNP bilang kanilang No. 1 most wanted person.

Read More:  At least 29 decomposing dogs and cats found in Bulacan vacant lot

Inaresto si Anonuevo sa Brgy Bayasong sa bayan ng Pilar kung saan ito nagtago.

Read More:  2 Chinese nationals arrested in ₱1.5-M Cebu copper ore seizure

Ang warrant of arrest ay ibinaba ng RTC, 5th Judicial Region, Sorsogon City sa kasong rape na walang itinakdang piyansa.