Queen Elizabeth nagpositibo sa COVID-19

Positibo sa COVID-19 si Queen Elizabeth kung saan nakakaranas ito ng mild cold-like symptoms.

Ayon sa pahayag ng Buckingham palace, inaasahang magpapatukoy ng mga light duties ang reyna habang sumasailalim sa medical attention.

Read More:  Ebola death toll in Congo surpasses 5,000 amid widening outbreak

Napag-alaman na maliban kay Queen Elizabeth, ilan pang tao sa Windsor castle ang positibo sa COVID-19.

Matatandaan na nagpositibo din ang anak ni Queen Elizabeth na si Prince Charles noong February 10 matapos nitong makipagkita sa ina noong February 8.

Read More:  California Governor commutes death sentences of 548 inmates on death row

Inihayag ni UK Prime Minister Boris Johnson na hangad niya ang mabilisang paggaling ni Queen Elizabeth at makabalik na ito sa masiglang mga gawain.