Poll laywer sa Comelec: Ipagpaliban ang ‘Oplan Baklas’

Hinimok ng election lawyer na si Romulo Macalintal ang Commission on Elections (Comelec) na isuspende ang kanilang “Oplan Baklas” drive para tanggalin ang improper campaign materials.

Ito’y matapos sabihin ng poll spokesperson James Jimenez, na rereviewhin ng Comelec ang mga panuntunan sa pagpapatupad sa gitna ng mga reklamo mula sa mga kandidato.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Mababatid na sa unang pag-arangkada ng naturang programa, binaklas ng mga otoridad ang mga campaign posters na nasa loob ng mga private properties, maging ang mga murals ng mga kandidato.

Ang naturang hakbang ay inalmahan ng mga kandidato at ng kanilang mga tagasuporta.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Sa harap nito, nilinaw ng Comelec na sa kanilang Resolution 10730, ang IRR ng Republic Act 9006 o ang Fair Election Act, na nagbabawal sa mga lawful election propaganda materials sa labas ng mga common poster areas, maliban sa private property na may pahintulot sa may-ari, hindi kasama ang murals, bagay na kailangan umano nilang suriin muli. //MHEL PACIA-TRINIDAD