NWRB nagbabala sa nagbabadyang water crisis sa Metro Manila

Kinumpirma ng National Water Resources Board (NWRB) na nagbabadya ang ‘water crisis’ o kakulngan ng supply ng tubig sa National Capital Region sa darating na tag-init.

Sa pagtaya ng ahensiya posible umanong maranasana pagsapit ng Abril o Mayo ngayong taon.

Read More:  DOTr orders two Manila bus terminals to explain violations

Ayon sa NWRB patuloy na bumababa ang antas ng tubig sa Angat Dam na nagsusuplay ng 98% ng tubig sa kalakhang Maynila.

Sinabi ni Sevillo David Jr., executive director sa NWRB, na ang mga water supplier at mga regulator ay sisikap na mapigilan ang Angat na umabot sa 180 metro, ang minimum na antas sa kanyang operasyon.

Read More:  DepEd to establish 13 new division offices to improve services in remote schools

Kumpiyansa naman si David na ang kakulangan sa tubig ngayong taon ay hindi magiging kasing lala ng 2019 water crisis.