90% ng vax data, ia-upload sa VaxCertPH sa susunod na 3-4 mos

Inihayag ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na may malaking bilang ng vaccination data mula sa local government units (LGUs) ang ia-upload sa kanilang database, sa susunod na tatlo hanggang apat na buwan.

Ayon kay DICT Acting Secretary Emmanuel Caintic, nag-upload na ang mga LGUs ng 70% hanggang 80% ng immunization data sa VaxCertPH.

Read More:  NBI Chief Matibag says arrest of Sen. Bato Dela Rosa could be near

Sa gitna nito, positibo ang naturang ahensya na sa susunod na tatlo hanggang apat na buwan ay aakyat na ito sa 90%.

Read More:  PCG logs over 37,000 passengers at seaports on first day of Undas 2026

Sinabi rin ng acting DICT chief na kailangan nilang iupgrade ang VaxCertPH, para maisama ang booster shot vaccination status ng mga indibidwal na naturukan na nito, maging ang pagdagdag ng security features na itinakda ng World Health Organization member countries na gumagamit ng centralized vaccination database system. //MHEL PACIA-TRINIDAD