Pampanga PHO, tiwalang tuloy-tuloy na ang pag bagsak ng COVID cases sa lalawigan

Tiwala ang Pampanga Provincial Health Office na magtutuloy-tuloy na ang pagbagsak ng kaso ng Covid-19 sa buong lalawigan ng Pampanga.

Ayon kay Pampanga Provincial Health Officer Dr. Zenon Ponce, nasa 20 pababa na lamang ang mga bagong kaso na naitatala sa probinsya kada-araw.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Sa katunayan aniya karamihan sa mga Covid-19 hospital sa lalawigan ay wala na ring mga Covid-patients.

Read More:  Tragic outing ends in heartbreak as 19-year-old drowns in Cebu sea; two friends survive

Samantala, sa latest data na inilabas ng Provincial Information Office, mula sa 75, 337 confirmed cases sa lalawigan; 692 na lamang dito ang active cases.