Pagtanggal sa facemask policy, hindi napag-uusapan sa IATF meeting – Año

Nilinaw ni Interior Secretary Eduardo Año na hindi napag-uusapan sa pulong ng Inter-
agency task force ang pagtanggal sa pagsusuot ng facemasks bilang bahagi ng ‘new normal’.

Ayon kay Año totoong kasalukuyang gumagawa ng mga alituntunin ang pamahalaan para sa “new normal” sa panahon ng pandemya, subalit kahit isang beses ay hindi dito nabanggit ang pagtanggal sa mandatory na pagsusuot ng face mask.

Read More:  PCG logs over 37,000 passengers at seaports on first day of Undas 2026

Sinigundahan naman ito ni vaccine czar at National Task Force Against COVID-19 (NTF) chief implementer Carlito Galvez Jr., at sinabing “very essential” pa rin ang pagsusuot ng face mask sa paglaban sa severe respiratory disease.

Read More:  Senate court imposes sub judice ban on all VP Sara impeachment articles

Idinagdag ni Galvez na ang “voluntary masking” ay maaaring mangyari kung ang krisis sa kalusugan ay tapos na.

Nabatid na sinabi ng Malakanyang na malaki ang posibilad na ipapatupad sa bansa ang Alert Level 1 kung magpapatuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19.