England—Sabi nila kapag para sayo ang isang tao, mawalay man ito ay tiyak na babalik pa rin sayo.
Ngunit sa bansang England, hindi tao ang bumalik sa isang 63-anyos na lalaki kundi ang kanyang nawawalang pustiso na nawala sakanya 11 taon na ang nakakaraan.
Labis na ikinagulat ni Paul Bishop nang dumating sakanyang bahay ang isang parcel mula pa sa pamahalaan ng Espanya.
Laman kase nito ang kanyang pustiso na matagal nang nawawala.
Kwento ni Bishop, 11 taon na ang nakakaraan nang dumalo siya sa birthday party ng kanyang kaibigan sa Benidorn, Spain.
Dahil sa labis na kalasingan, hindi namalayan ni Bishop na nakasama sakanyang pagsusuka sa isang basurahan ang kanyang pustiso.
Nagkataon na nag “bar hopping” sila ng kanyang mga kaibigan kaya’t namalayan niya na lamang na nawawala ang kanyang pustiso nang makalipat na sila ng bar.
Sinubukan niya pa sanang balikan ang kanyang pustiso sa basurahan ngunit tambak na ito ng basura at tila imposible nang mahanap niya pa ito.
Nagpagawa na lamang siya ng pustiso sakanyang pagbalik sa England at makaraan ang mahabang panahon ay ipinadala at ibinalik sakanyan ng Spanish authorities ang kanyang pustiso.
Madaling na trace ng Spanish government na pagmamay-ari ni Bishop ang pustiso sa pamamagitan ng kanyang DNA.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol