Bicol region, nagtala lamang ng 9 na mga bagong kaso ng covid-19 kahapon

BICOL – UMABOT lamang sa siyam ang naitalang mga bagong kaso ng covid-19 sa rehiyon kahapon, ayon sa ulat ng Department of Health Bicol.

Tanging ang lalawigan lamang ng Camarines Sur ang nagtala ng mga bagong kaso habang walang nagpositibo sa mga specimens na mula sa mga lalawigan ng Albay, Camarines Norte, Catanduanes, Masbate at Sorsogon gayundin sa mga nagpasuri na mula sa labas ng rehiyon.

Sa 9 na bagong kaso, nagtala ng apat ang lungsod ng Naga, may tatlo ng Bula habang may tig-isang bagong kaso ang mga bayan ng Pili at Calabanga.

Read More:  Grade 12 student arrested with P1 million worth of shabu

Bunsod nito umabot na sa 58,668 ang cumulative cases ng covid-19 sa Bicol simula pa noong March 2020.

Samantala, wala namang naitala na bagong pagkasawi kung kayat nakapako sa 2,107 ang death toll habang walo lamang din ang naitalang bagong nakarekober kung saan anim dito ang nairehistro sa Sorsogon at dalawa sa Catanduanes dahilan para umabot na sa 48,933 ang kabuuang recoveries sa covid-19 sa rehiyon.

Read More:  2 Pakistanis die in Mandaue City road crash

Ayon sa DOH-Bicol, mahaba haba pa aniya ang kanilang hahabulin ngayong linggo at patuloy pang naghihintay sa ulat ng mga surveillance officers ng mga probinsya upang ma-update ang bilang ng mga nakarekober.

Nanawagan din ang ahensya sa mga epidemiology surveillance units kabilang na mga cities na ipagbigay-alam sa upang makahabol ang bilang ng recovered cases lalo na umano ngayong pinaikli na ang quarantine period.