Pagbibigay ng impormasyon sa “Isumbong mo kay Wilkins”, hinihikayat ng PDEA 12

KORONADAL CITY- HINILING ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 12 ang tulong ng mga mamamayan sa kampanya nito laban sa iligal na droga sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon sa “Isumbong Mo kay Wilkins” platform.

Inihayag ni PDEA 12 information officer Katryn Gaye Abad na sa “Isumbong Mo kay Wilkins”, maaaring i-report ng mga mamamayan ang mga illegal drug activities sa kanilang lugar sa pamamagitan ng pag-text sa hotline numbers nga 09953547020 at 09310278212 o sa FB Page ng “Isumbong mo kay Wilkins”.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil
Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Ayon kay Abad na lahat ng tip o report na kanilang natatanggap ay isinasailalim sa serye ng monitoring at validation at nilinaw na hindi ang mga ito basta-basta inaaresto o isinasailalim sa operasyon ng mga otoridad.