BNFM BICOL—Nasa 13 mga barangay sa bayan ng Virac, Catanduanes ang idineklarang “Drug Free at Drug Cleared Barangays’ ng PNP at ng PDEA.
Batay sa ulat, idineklarang Drug Cleared ang mga barangay ng Buyo, Constantino, Danicop, Gogon Centro, Ibong Sapa, Lanao, Palnab Del Sur, San Vicente, Simamla at Sogod Tibgao Bliss.
Habang ang mga barangay naman ng Dugui Too, Dugui San Vicente at Dugui San Isidro ay idineklarang “Drug Free” na nangangahulugan lamang na hindi apektado ng iligal na droga ang mga ito.
Ginawa ang pagbibigay ng sertipikasyon sa mga nasabing barangay nitong nakaraang linggo, kung saan presente sa naturang okasyon ang alkalde ng bayan, hepe ng Virac PNP, mga punong barangay at iba pang mga opisyal.
Sa 48 mga barangay sa Virac, Catanduanes na apektado ng iligal na droga, 33 sa mga ito ang konsiderado nang ‘drug cleared’ habang 15 naman ang ‘drug free’.
Ayon sa PNP, kailangang mapanatili ng mga nasabing barangay ang pagiging ligtas at hindi apektado ng iligal na droga upang hindi mabawi ang nasabing parangal kaugnay pa rin ng nagpapatuloy na ‘Drug Clearing Program’ ng gobyerno.###