Load card, ipamamahagi ng isang SK Council sa San Andres, Catanduanes ngayong araw ng mga puso

BNFM BICOL—Wala ka mang ka date ngayong Valentine’s Day no worries dahil sagana ka naman sa load.

Iyan ang pakulo na naisip ng Sangguniang Kabataan council sa Brgy. Timbaan bayan ng San Andres, Catanduanes para sa mga estudyanteng residente ng kanilang lugar.

Read More:  Two fishermen rescued after boat carrying sacks of cement capsizes

Mamamahagi kase ang naturang konseho ng ‘load card’ bilang Valentine’s gift sa mga ito sa mismong araw ng mga puso, Pebrero 14.

Ayon sa SK-Timbaan, ito ang kanilang naisip na pakulo upang makatulong na rin sa mga estudyante ng kanilang barangay lalo na ngayong nagpapatuloy pa rin ang ‘online learning’.

Read More:  15-year-old admits killing mother found inside abandoned septic tank in Bohol

Maliban dito, magbibigay din ng asistensya ang kanilang konseho sa mga Alternative Learning System o ALS learners sakanilang lugar na ilulunsad sa mga susunod na buwan. ###