Droga at baril, nasamsam sa buy-bust ops ng Donsol Police

SORSOGON CITY – Nasamsam ng mga awtoridad ang iligal na droga, baril at bala sa ikinasang anti-illegal drug operations laban sa isang electrician sa Brgy Rawis sa bayan ng Donsol, Sorsogon.

Kinilala ang suspek na si Henry Deguanco, 56-anyos, may asawa at naninirahan sa nasabing barangay.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Maliban sa isang sachet na may lamang hinihinalang shabu, nasamsaam pa sa suspek ang isang kalibre .22 na Magnum na walang serial number at kargado ng tatlong bala.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Kambal na kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang kahaharapin ng nasabing suspek.