P1B halaga ng donated equipment mula sa China, natanggap na ng PH

Pormal nang inabot ng Chinese government ang mahigit P1 billion na halaga ng equipment, na kanilang bigay sa gobyerno ng Pilipinas, sa pamamagitan ng militar.

Ang unang batch ng donasyon na nagkakahalaga sa P615 million ay dumating sa Manila, noong Jan. 16.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Ang mga ito ay kinabibilangan ng rescue at relief equipment, drone systems, detectors, water purification vehicles, ambulances, firetrucks, x-ray machines, explosive ordnance disposal robots, bomb disposal suits, transport vehicles, backhoes, dump trucks, forklifts at earthmovers.

Matatandaan na sa kanyang state visit sa Pilipinas noong 2018, ipinangako ni President Xi Jinping na committed ang China na gawin ang kanilang modest part na tumulong at suportahan ang counterterrorism campaign ng Pilipinas, at magbibigay sa bansa ng 140 million renminbi military assistance gratis.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Dagdag ni Xi, na ang military-to-military cooperation sa pagitan ng dalawang bansa ay lalo pang lumalim sa pamamagitan ng military education at training cooperation. //MHEL PACIA-TRINIDAD