Binata, nahulihan ng marijuana sa Puerto Princesa

Nakakulong na ngayon sa lock-up jail ng Puerto Princesa City Police Office ang isang Mario (NM) Gualdario alyas Pat , laborer, 21 anyos na residente ng Bgy. Tagumpay sa Puerto Princesa.

Ganap na 11:25 ng umaga kanina ay naaresto si Mario na tinukoy na drug pusher suspect sa drug buybust operation ng Anti crime Task Force at City Drug Enforcement Unit sa Bgy. Sta. Monica.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Nakuha umano sa suspek ang isang sachet may laman na hinihinalang dahon ng Marijuana, 500 pesos buybust money at isang motorsiklo.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Nang tanungin ng operatiba ay todo tanggi umano ang suspek na sa kanya ang narekober na ebidensya, ayon kay ATCF Director Richard C. Ligad.