Morissette, Dave Lamar ibinunyag na ang detalye ng naging kasal

Ibinunyag na nina Morissette and Dave Lamar na ang kanilang pag-iisang dibdib ay nangyari noong June 28, 2021 sa Netherlands-inspired Old Grove Farmstead sa Lipa, Batangas.

Ang opisyal na pagbubunyag sa actual date ay ginawa sa after-concert conference noong Sabado.

Read More:  ‘Machong Chismisan’ Podcast faces backlash over insulting remarks about Kris Aquino’s son Josh

Ang ikalawang streaming ng kanyang “Phoenix” concert noong February 5 ay sinundan ng late-night VIP (very important person) after-party, kung saan game sina Morissette at Dave na sumagot sa anumang tanong mula sa local media at reactors worldwide.

Pagbabahagi ng singer, hindi sila nagpatinag sa malakas na ulan na sa halip ilipat sa loob ang seremonya ay mas pinili umano nila sa labas ng barn.

Read More:  Jane de Leon, Louise delos Reyes turn heads with stunning new looks

Ito umano ang dahilan para mas maging espesyal pa naturang seremonya.

Matatandaan na kamakailan lang ibinunyag ng dalawa na sila ay kasal na. //MHEL PACIA-TRINIDAD