Russia inakusahan ang US na nag-uudyok para magkagiyera sila at ang Ukraine

Inakusahan ni Russian President Vladimir Putin ang America na inuudyukan ang sitwasyon para magkagiyera sila at ang Ukraine.

Sinabi ni Putin na target ng America na gamitin ang inaasam nilang komprontasyon para makapag-impose ng mas maraming sanctions sa Russia.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Binigyang diin ni Putin na patuloy na binabalewala ng America ang mga concerns ng Russia hinggil sa Nato alliance forces sa Europa.

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Mariin ding itinanggi ng Russia ang alegasyon ng Western countries na nagpaplano sila ng pagsakop sa Ukraine.

Giit ni Putin, maging ang America ay hindi concern sa seguridad ng Ukraine.