DOLE, iginiit na hindi napapanahon ang panawagang wage hike

Binigyang diin ng isang labor official na maaring hindi napapanahon ngayon ang mga panawagan na taas sahod, sa harap ng patuloy pang na pagrekober ng ekonomya ng bansa, bunsod ng epekto ng COVID-19 pandemic.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Maliban dito, naghihintay pa umano ang mga investors sa resulta ng nalalapit na 2022 election.

Ayon kasi kay Labor Asec. Dominique Tutay, may mga petisyon para sa wage increase, ngunit hindi na nagtagumpay dahil sa pandemic-battered economy.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Giit ni Tutay, bagama’t nakikita na ang mga senyales ng recovery, nananatili parin umanong “very unstable,” ang sitwasyon.

Sa hiwalay na pahayag, senegundahan ng labor group ang sentimyento ng DOLE hinggil sa untimely wage adjustments.//MHEL PACIA-TRINIDAD