Animal Shelter may kapasidad na i-accommodate ang 300 stray dogs

SORSOGON CITY – Inihayag ng Provincial Veterenary Office (PVO) na aabot sa mahigit-kumulang 300 stray dogs ang kayang i-accommodate ng bagong Animal Shelter na ipinatayo ng Pamahalaaang Panlalawigan.

Ayon sa head nito na si Dr. John Ashley De Castro, tinatayang nasa 300 square meters ang lawak ng pasilidad at kompleto ito sa lahat ng pangangailangan sa pag-aalaga ng mga asong gala at iba pang mga hayop na maituturn-over sa kanilang opisina mula sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Kung babalikan, matagal na itong pangarap ng LGU dahil sa kawalan ng mga veterinary offices sa bawat bayan dahilan ng patuloy na pagdami ng mga asong gala.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Bunsod nito, malaki na ang perwisyong dulot ng mga hayop lalo na sa mga motorista at ang hindi mapigil na kaso ng rabies sa lalawigan.

PHOTO: SPIO