60 days amnesty para sa renewal ng expired na chainsaw registration, dapat samantalahin- PCSDS

Maaari nang mag-renew ng expired na rehistro ng chainsaw sa lalawigan ng Palawan, ayon sa PCSD o Palawan Council for Sustainable Development.

Ayon kay PCSDS spokesperson Jovic Fabello, nakapaloob ito sa PCSDS resolution no. 22-799 kung saan binibigyan ng pagkakataon ang mga may-ari ng chainsaw na i-renew ang unit na walang penalty sa loob ng 60 araw.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Nagsimula ang amnestiya  nitong January 20, 2022 na tatagal hanggang March 2022.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sa pagtataya ng tanggapan ay aabot sa humigit- kumulang isang libo ang hindi rehistrado o ilegal na chainsaw ang mayroon sa Palawan ngayon.

Sinabi pa ni Fabello na dapat na samantalahin ng mga may-ari ang ibinigay na amnestiya.