Guanzon, ibinunyag na bomoto pabor DQ vs Marcos Jr.,

Ibinunyag ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na bomoto siya pabor sa disqualification case laban kay Bongbong Marcos.

Naniniwala kasi si Guanzon, may moral turpitude batay sa ebidensya at sa batas, kaya umano nangyayari ang pagkaantala sa pagpapalabas ng ponente, at dahil narin sa kanyang desisyon.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Sinabi ni Guanzon, na nakatakdang magretiro sa February 2, na isinumite na niya ang kaniyang opinyon ng kaso sa dalawang iba pang commissioners ng First Division.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Isiniwalat rin nito, na nakatanggap siya ng impormasyon na may mga hakbang na ginagawa para impluwenshahan ang iba pang commissioners.

Para sa commissioner, parang unreasonable na ang delay, kaya kutob niya ay may nakikialam na. //MHEL PACIA-TRINIDAD