Babae, hinoldap at pinatay sa saksak ng 22 anyos na lalaki sa Zamboanga City

Patay ang isang babae matapos holdapin at saksakin ng nakasalubong nitong lalaki habang tinatahak ang daanan sa may  Golf Village Brgy. Upper Calarian hueves ng hapon sa lungsod ng Zamboanga.

Hawak na ng mga pulis ang suspek kung saan positibong kinilala bilang si  Arjay Ramos De Leon na siyang tinuturong nangholdap at nakapatay sa biktimang si Pearly Armento Dones, 28 anyos na pawang residente ng naturang lugar.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Batay sa ulat ng Zamboanga City Police Station 8 Sinunuc patungo ng tindahan ang nasabing biktima upang bumili ng tanghalian nang nakasalubong ang suspek  at tinangay ang bag nito na may lamang pera at cellphone at sunod na pinagsasak ang biktima sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Natagpuan ng mga residente ang bangkay alas-01:30 na ng hapon ng nasabi ring petsa at inireport sa mga pulis na nagsagawa ng follow-up operation na nagresulta sa pagkakadakip sa naturang suspek. Guen Delos Santos