Bilang ng gun ban violators na naaresto, umabot sa 410

Naaresto ang karagdagang 17 violators ng Comelec gun ban na ipinatupad para sa paparating na 2022 elections.

Ayon sa Philippine National Police, umabot na sa 410 ang kabuoang bilang ng mga naarestong indibidwal na lumabag sa gun ban.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Sinabi rin ng PNP na pawang mga sibilyan ang mga bagong violators.

Dagdag ng pulisya, nakuha mula sa mga lumabag ang 20 baril, 99 na ammunition, at 5 deadly weapons.

Read More:  PNP says search for Bato Dela Rosa remains on track

Naaresto ang mga nasabing indibidwal sa Samar, Cebu, Pampanga, Bulacan, Calabarzon, Central Luzon, Cagayan, Davao, Ilocos, at National Capital Region.