Nilinaw ng Department of Labor and Employment na kwalipikado ang lahat ng uri ng manggagawa na nawalan ng trabaho o nasuspinde sa gitna ng implementasyon ng COVID-19 Alert Level 3 sa P5,000 ayuda.
Sinabi ni DOLE Undersecretary Dominique Tutay na covered nito ang lahat ng regular, contractual, probationary, o casual employees.
Ayon kay Tutay, umaasa ang DOLE na tinatayang nasa 200,000 empleyado ang mag-a-apply para sa P5,000 cash aid sa Metro Manila at iba pang mga lugar.
Ipinunto niya na maaring matanggap ng mga apektadong manggagawa ang nasabing halaga sa loob ng dalawang linggo matapos ang pagsusumite ng aplikasyon.
Mababatid na naglaan ang DOLE ng P1-bilyong para sa pinansyal na ayuda sa ilalim ng COVID Adjustment Measure Program (CAMP) 2022.
