PNP-Bicol, tiniyak ang seguridad at kaligtasan ng mga miyembro ng media ngayong election period

BNFM BICOL— Kinumpirma ni PNP Bicol Regional Director PBGen. Jonnel Estomo na titiyakin ng kapulisan sa rehiyon ang seguridad at kaligtasan ng mga miyembro ng media ngayong darating na May 2022, election.

Ayon kay Estomo, handa aniya ang PNP-Bicol na makipagtulungan sa Presidential Task Force on Media Security upang mabigyan ng proteksyon ang hanay ng media sa pagsasagawa ng election coverage at pag cover ng iba pang mga kaganapan sa buong election period ngayong taon.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ang naturang hakbang ng kapulisan ay bilang pagtalima sa kautusan ng Department of the Interior and Local Government na magsilbing “media security vanguard” ang PNP ngayong election period kung saan karamihan sa mga mamamahayag ay nailalagay sa peligro ang buhay at nagiging biktima ng pananakot at harassment.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Sa ngayon, nagbigay na ng direktiba ang PNP-Bicol sa lahat ng mga istasyon ng kapulisan sa rehiyon na nag-uutos sa mga itong paigtingin ang mga ginagawang hakbang upang mabantayan ang kaligtasan ng mga mamamahayag.###