Tracing czar : Malaking hamon ang Omicron variant sa contact tracing

Aminado si contact tracing czar at Baguio City Mayor Mayor Benjamin Magalong na mahirap maipanatili ang komprehensibong contact tracing, dahil sa transmission ng Omicron variant.

Ayon kay Magalong, noong una, ang inirerekomendang ratio para sa contact tracer ay 1 is to 15, pero dahil sa Omicron cases, kailangan na ang 1 is to 30 o 1 is to 40.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Dahil dito, inirekomenda ng contact tracing czar sa Department of the Interior and Local Government, na atasan ang mga contact tracers na hanapin lang ang first generation contacts ng COVID-19 case at iwanan na ang second at third generation contacts.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Para kay Magalong, ang naturang hamon sa contract tracing ay magpapalala lang sa non-renewal ng 16,000 contact tracers na kinuha ng DILG noong nakaraang taon. //MHEL PACIA-TRINIDAD