LEGAZPI CITY – Isang taon na ang nakakalipas ng tambangan ang apat (4) na sundalo sa Brgy. Banquerohan, siyudad ng Legazpi, Albay, ng isang grupo ng mga hinihinalang kasapi ng mga komunistang teroristang grupo, na ikinamatay ng tatlo (3) sa mga ito, habang ang isa (1) naman ay maswerteng nakatakas sa bingit ng kamatayan.
Ayon sa mga nakasaksi sa karumaldumal na pangyayari, ay walang habas diumanong pinaputukan, gamit ang mahahaba at dekalibreng mga baril ng nasabing grupo, ang mga biktima na sakay ng kanilang mga motorsiklo, na agad na ikinasawi nina Cpl Joemar Mancilla Maravilla, PFC Ronald Luna Zamora, at PFC Reymar Badong Palencia, pawang mga miyembro ng Bravo (Mabalasik) Company, 31st Infantry (Charges) Battalion, 9th Infantry (Spear) Division, Philippine Army, na nagpapatupad Community Support Program (CSP) sa nasabing lugar.
Sa ikinasang operasyon ng Albay Kasurog Cops, sa ilalim ng pangangasiwa ni PCOL BYRON T TABERNILLA, Acting Provincial Director ng ALBAY PPO, sa pamamagitan ng Intensified Cleanliness Policy in the Community, kaakibat ang mamamayang Albayano, sa pagpapalawig ng “Anti- Criminality Campaign” sa lalawigan, ay nagsanib- pwersa ang mga kapulisan ng Legazpi City Police Station, na pinamumunuan ng kanilang hepe na si PLTCOL BOGARD B ARAO, 31IB ng 9th Infantry Division Philippine Army, RIU5 PIT Albay, at 2nd APMFC, ay nakorner ang isa sa mga akusado sa nangyaring “ambush” sa Brgy. Banquerohan.
Ito ay kinilala sa alyas “Cel”, 38-anyos, at residente ng Sitio Misua Purok 2, Brgy. Banquerohan, Legazpi City.
Matatandaan na noong nakaraang taong 2021, buwan ng Pebrero, ay isinilbi rin sa nasabing akusado ang isang “search warrant” na nagresulta sa pagkakakumpiska ng isang (1) itim na eco bag na naglalaman ng isang “care free flexi comfort” kung saan naka paloob ang isang (1) rebolber na may tatak na “black widow cal. 9mm”.
Kargado ng limang (5) bala; isang (1) baril na kalibre.45 na kargado din ng isang (1) magasin na may tatlong (3) bala; isang (1) baril na kalibre .45 na kargado din ng isang (1) magasin na may anim (6) na bala; at isang (1) yunit ng “hand grenade” o pampasabog na naka balot sa “masking tape”, na nakuha mismo sa loob ng kanyang kwarto. Si “Cel” ay nahaharap sa tatlong (3) bilang ng kasong “Murder” o paglabag sa Artice 248 ng Revised Penal Code; isang kaso ng “Frustrated Murder”; at sa paglabag sa “Comprehensive Law on Firearms and Ammunition” (RA 10591), na sumasakop din sa RA 9516, RA 8294, at PD 1866.