Omicron mas mabilis makahawa kumpara sa Delta; sintomas, mild lang

KORONADAL CITY- MILD lamang ang sintomas ng Omicron variant ng COVID 19 kumpara sa Delta variant. Ito ang inihayag ni Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr.

Bagama’t mild, mas mabilis naman aniya ang transmission nito at posibleng mas marami ang mahawa lalo na’t kampante ang iba na ito ay simpleng sipon o trangkaso lamang.

Read More:  Newborn baby found abandoned in Cebu without clothing

Kabilang sa sintomas ng Omicron ayon kay Aturdido ang sore throat, baradong ilong at sipon.

Read More:  2 Chinese nationals arrested in ₱1.5-M Cebu copper ore seizure

Kaugnay nito, hinihikayat ng opisyal ang mga may sintomas na agad na mag-isolate at makipag-ugnayan sa mga Barangay Health Emergency Response Team o BHERT upang maisailalim sa testing.