Nutritional status ng stunted ng mga bata edad 0-5yrs old sa Bicol bumaba ng 5% sa taon 2021-NNC

LEGAZPI CITY – Halos bumaba ng 5% ang nutritional status ng stunted o mga bansot na mga bata na may edad na 0-5 yrs old sa Bicol Region sa taon 2021.

Ayon kay Marilyn Valeza, ang Nutrition Officer III at Officer in Charge ng National, ng Nutrition Council (NNC) Bicol, sa ginawang operation timbang result nitong nagdaang taon ng mga Local Government Unit (LGU) ay bumaba na rin ang bilang o prevalence ng mga stunted kumpara sa nakalipas na tatlong taon.

Read More:  PDEA shuts down suspected drug den in Davao de Oro

Base sa record ng ahensya, ang taon 2018 mayroong 18.7% na stunted, 2019 17.8%, 2020 15.7% at ang taon 2021 ay nasa 13.38% na lamang.

Read More:  5 injured after military vehicle overturns and plunges into creek in Aklan

Pinakaraming naitala na bansot na mga bata ang lalawigan ng Camarines Sur, sinundan ito ng Catanduanes, Sorsogon, Masbate, Camarines Norte at Albay.