Donnalyn nakatanggap ng indecent proposal mula sa isang prinsipe?

Private jet at manyson.

Yan daw ang handang ibigay ng isang prinsipe ng ibang bansa sa 26-anyos na aktres, singer at vlogger na si Donnalyn Bartolome.

Ayon kay Donnalyn, marami na siyang natatanggap na indecent proposals pero wala sa mga ito ang umuubra sa kanya.

Read More:  Michelle Vito and Enzo Pineda get engaged after 7 years together

Anya, meron nag-eemail sa kanya na babayaran siya ng isang gabi para makipag-date.

Inihayag naman ng manager ni Donnalyn na si Toby Ayre na meron na rin mga nag-alok ng lamborghinis, ginto, at pera sa aktres.

Read More:  Donny Pangilinan admits feeling awkward over Baby Doll Juby’s remark on Gandang Gabi Vice

Pabiro naman kinwestyon ni Donnalyn ang kanyang manager kung bakit hindi siya nasabihan nito tungkol sa mga nasabing offers.

Ipinunto naman ni Donnalyn na nagagalit talaga ang kanyang manager pag nakakatanggap siya ng indecent proposals dahil alam naman nito na hindi siya papatol.