5-anyos na biktima ng pagsabog sa Aleosan, Cotabato binawian ng buhay

Binawian ng buhay ang limang-taong gulang na kasama sa mga biktima ng pagsabog kahapon sa isang pampasaherong bus sa bayan ng Aleosan, Cotabato.

Kinilala ni 6th ID spokesperson Lt. Col. John Paul Baldomar ang biktimang si Benjamin Solaiman.

Read More:  Apple to provide 170,000 MacBook Neo laptops to public schools nationwide

Patuloy naman nagpapagaling ang anim na iba pang nasugatan sa naturang insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad isang hindi pa nakikilalang pasahero ang nag-iwan umano ng bag na may lamang pampasabog at bumaba ito pagdating sa bayan ng Pikit.

Read More:  Authorities seize ₱99.4 million worth of ketamine in two shipments from Switzerland and Amsterdam

Agad naman bumuo ng special investigation task group ang PRO-12 para imbestigahan ang itinuturing nilang ‘terrorist attack’.