DTI Albay isinilalim sa limang araw na lockdown matapos makasalamuha ang lahat na empleyado sa nagpositibo sa COVID 19

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ni Regional Director Rodrigo Aguilar ng Department of Trade and Industry (DTI) Bicol na temporary munang isasara ang DTI Albay matapos magpositibo ang isa sa empleyado ng ahensya.

Ayon kay Aguilar, limang araw na nakalockdown ang tanggapan dahil sa ang lahat na empleyado ay nakasalamuha nito sa nasabing sakit.

Read More:  P398M Himamaylan loan-funded projects delayed by up to 1,286 days – COA

Aabot sa 20 empleyado ang naging closed contact sa nagpositibo sa naturang sakit.

Layunin nito ay para maiwasan muna ang pagkakahawaan sa lahat ng empleyado at mamamayan laban sa covid 19. Ang mga empleyado ng nabanggit na ahensya ay bakunado na rin.

Read More:  Fire hits PC Compound in Zamboanga City; Air Force helicopter joins response

Sinabi ng opisyal, inaasahan umano sa susunod na linggo ay babalik rin ang operation ng DTI Albay.