Water rationing sa Metro Manila, idinepensa ng NWRB

Dumipensa ang National Water Resources Board sa pagpayag sa mga water concessionaires na magsagawa ng water rationing kahit hindi pa nararanasan ang tag-init sa Metro Manila.

Paliwanag ni NWRB Executive Director Board Dr. Sevillo David Jr. nais lang niyang matiyak na meron pa ring suplay ng tubig pagdating ng tag-init o summer season.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Ayon kay David, namonitor kasi nila ang tila abnormal na water level sa Angat Dam na mas mababa ng sampung metro kung ikukumpara sa ganitong mga panahon.

Inihayag ng opisyal na dapat ngayon pa lang ay maayos nang mapangasiwaan ang suplay ng tubig upang hindi umabot sa punto na tuluyan itong mawala pagdating ng tag-init.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Kasabay nito ipinag-utos ng NWRB sa mga water concessionaire na ihanda ang kanilang mga deep well at water treatment facilities para mayroong mapagkunan ng tubig kung kakailanganin.