DTI, PNP at NBI sanib-pwersa kontra mapagsamantalang sindikato

Sanib-pwersa ngayon ang mga ahensiya ng pamahalaan para imonitor ang mga nagsasamantala sa gitna ng pandemya.

Kabilang na dito ang mga nagbebenta ng mga paracetamol online na unang naiulat na nagkaubusan ng stock sa mga botika dahil sa taas ng demand.

Read More:  PCG logs over 37,000 passengers at seaports on first day of Undas 2026

Ayon sa Department Trade and Industry katuwang nila ang Philippine National Police at National Bureau of Investigation para habulin kung may grupo o sindikatong nagsasamantala sa sitwasyon.

Muling iginiit ng DTI na hindi totoo na may shortage ng ilang gamot tulad ng paracetamol sa katunayan ngayong linggo na maari na muling makabili ng mga brand na unang naubusan ng stock.

Read More:  Authorities seize ₱99.4 million worth of ketamine in two shipments from Switzerland and Amsterdam

Binigyan-diin naman ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na kahit mataas ng demand ng paracetamol hindi maaring magtaas ng presyo ang mga drug-maker o mga kumpanyang gumagawa nito.