Emergency rooms ng St. Luke’s para sa COVID-19 cases, dinadagsa

Inanunsyo ng St. Luke’s Medical Center (SLMC) na mas mahaba kaysa sa dati ang waiting time ngayon para sa mga pasyente na gustong magpakonsulta ng kanilang COVID-19 symptoms sa mga emergency rooms.

Sa isang advisory ay sinabi ng SLMC na nakararanas ito ng surge ng mga pasyente sa parehong branches nito sa Quezon City at Global City.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Gayunman, sinabi sa pahayag na nanatiling bukas ang pagamutan para sa pagtanggap ng admissions at outpatient procedures, at iba pang mga serbisyon para sa non-COVID-19 cases.

Ginagarantiya ng SLMC na ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang makatanggap ng kumpletong pag-alaga ang lahat ng mga pasyente.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Nakiusap naman ang SLMC sa publiko na patuloy na sumunod sa minimum public health standards, lalo na sa gitna ng banta na hatid ng Omicron variant.