NAGA CITY- 6 na araw sanang sunod-sunod na walang naitatalang COVID-19 cases sa Naga City, kakabit nito ang walang aktibong kaso. Subalit nakapagtala na muli nitong mga unang mga araw ng Enero 2022.
Isa noong Enero 1, dalawa nitong Enero 2, at lima noong Enero 3. Ito ay ayon kay City Health Officer Dr. Butch Borja sa pagharap nito sa Regular Session ng Sanguniang Panlungsod.
Ayon kay Dr. Borja isa sa mga pasyente ay nasawi na sa ospital. Siya ay ang 32-anyos na ginang bakunado na, walang travel history. 20 swab samples ang ipinaisailalim sa RT-PCR test kahapon na dating halos wala na.
Kaugnay nito, nagpulong na ang Health Emergency Response Task Force o HERTF upang balangkasin ang mga panibagong patakaran, halimbawa sa mga ito ay ang hindi na pagpayag sa mga batang hindi bakunado na makapasok sa mga malls at iba pang establishments kahit pa fully vaccinated ang kasama. Gayundin ang pagbawas ng capacity sa mga simbahan dahil nitong holiday season punuan na.
Sinisikap ng LGU na huwag nang bumalik ang nakakabahalang sitwasyon ng COVID-19 sa Naga kaya hinihingi rin ang kooperasyon ng bawat isa.