Kaso ni Gwyneth Chua na paglabag sa mandatory quarantine, hindi isolated – DOJ

Naniniwala si Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi isolated case ang paglabag ni Gwyneth Chua sa mandatory quarantine para sa returning Overseas Filipinos.

Sinabi ni Guevarra na maaring nagsisimula na ang raket ng ilang indibidwal sa mga airport pa lang.

Read More:  NBI gets new leads on Bato Dela Rosa, continues search for Bantag

Aniya, posibleng mula sa airport pa lang ay pinauuwi na ang mga pasahero sa halip na dalhin ang mga ito sa quarantine facilities.

Matatandaan na tumakas si Chua mula sa mandatory five-day quarantine nito sa Berjaya Hotel upang umattend sa isang party sa Poblacion, Makati at magpunta sa maraming restaurants.

Read More:  Malacañang praises mon Tulfo’s fake news admission

Base sa datos ng mga otoridad ay nagpositibo sa COVID-19 ang 15 close contacts ni Chua.