DOH, hindi pa irerekomenda ang expansion ng Alert Level 3 sa ibang mga rehiyon sa bansa

Hindi pa irerekomenda ng Department of Health (DOH) ang pagpapatupad ng mas mahigpit na Alert Level 3 status sa ibang mga rehiyon, hanggang hindi mapapatunayan ng mga datos ang naturang hakbang.

Ang pahayag ni Health Secretary Francisco Duque ay matapos matanong kung ikinokonsidera ba ng gobyerno ang posibilidad na nationwide expansion ng alert level status — kasunod na nakatakdang higpitan ng Metro Manila ang restrictions ngayong linggo.

Read More:  NBI gets new leads on Bato Dela Rosa, continues search for Bantag

Giit ni Duque guided ng metrics ang mga opisyal sa pagdedesisyon sa alert level.

Dagdag ng kalihim, ito rin umano ang pangunahing rason kung bakit itataas ang alert level sa National Capital Region mula sa 2 papuntang 3, dahil ito ang isinasaad ng metrics.

Read More:  Government flags all shipments from Laos after ₱1.36-B shabu seizure

Ang pagshift ng Metro Manila sa Alert Level 3 ay matapos mapaulat ang kauna-unahang kaso ng Omicron variant sa bansa.