Inanunsyo ng dalawang ospital sa Manila na pansamantala nilang lilimitahan ang mga pasyenteng iaadmit dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19, kabilang na sa kanilang mga health care workers.
Ayon kay Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH), itinigil na nila ang pag-admit ng mga pasyente simula noong alas 8:00 ng gabi ng January 1.
Paliwanag ng JJASGH, mas mataas ang bilang ng COVID patients kumpara sa bilang ng mga higaan, kaya kailangan umano muna nilang mapauwi ang ibang mga pasyente o mailipat sa quarantine facilities.
Dagdag ng pa ng ospital, marami narin sa kanilang staff ang nagpositibo sa virus.
Samantala, ang Gat Andres Bonifacio Medical Center rin ay nag-abiso ng pansamantalang pagtigil sa pag-admit ng mga pasyente sa kanilang emergency room, dahil sa tumataas na COVID-19 infections sa kanilang mga empleyado.
![](https://i0.wp.com/brigadanews.ph/wp-content/uploads/2022/01/3-3-1024x1024.jpg?resize=1024%2C1024&ssl=1)