Isa na namang bangkay, natagpuan sa karagatan ng Roxas Palawan

Palutang- lutang nang matagpuan ang isang bangkay malapit sa karagatang sakop ng Sta Cruz Island sa Roxas Palawan kahapon, Ika-26 ng Disyembre.

Ayon sa PNP, ang bangkay na nakita ay isang alaki na may tintatayang taas sa 5’3-5’4 inches, may suot na kulay green na T-shirt.

Read More:  San Lazaro Hospital ER in Manila reaches up to 500% capacity amid leptospirosis surge

Base sa datos ng PNP, ito na ang pang siyam(9) na namatay sa pananalasa ng bagyong Odette sa Roxas Palawan.

Read More:  Gunman arrested after shooting near school in Cebu City

Sa kasalukuyan, nakalagak ang natagpuang bangkay sa Solivio Funeral Homes habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pagkakakilanlan nito.

Samantala, nagpapatuloy din ang search and retrieval operation para sa ilan pang nawawala.