1 taong gulang na bata, patay dahil sa dehydration

Nauwi sa pagluluksa ang pasko ng isang pamilya sa Barangay 1, Roxas, Palawan matapos bawian ng buhay ang 1 taong gulang na batang babae, nitong araw ng pasko (December 25, 2021) dahil sa dehydration.

Base sa panayam ng Brigada News sa ina ng bata na si Donabel H. Nuñez, ang pangalan ng kanyang anak ay si Ingrid Nuñez.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Ayon sa kwento nito, December 17, 2021 kasagsagan ng bagyong Odette ng nasa evacuation center sila ay naging problema umano ang tubig na maiinom at pagkain hanggang kinaumagahan (December 18, 2021).

Habang nasa evacuation ay nagkaroon ng sipon at lagnat ang bata. Humupa naman ito matapos painumin ng gamot (paracetamol).

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

December 25, 2021, araw ng pasko ay na kombulsyon si baby Ingrid kaya mabilis na isinugod sa Roxas Medicare Hospital, subalit binawian na ito ng buhay. At ang findings ng doctor ay dahil umano sa dehydration.