Christmas season posibleng magpabilis sa pagkalat ng Omicron variant – US expert

Nagbabala ang top US Infectious Disease expert na si Dr. Anthony Fauci na mas mapapalakas ng mga biyahe ngayong Christmas season ang pagkalat ng Omicron variant .

Sinabi ni Fauci na walang dudang mabilis ang pagkalat ng Omicron variant sa buong mundo at palalakasin ito ng mga mobility ngayong kapaskuhan.

Read More:  Philippines, Canada aim to conclude free trade agreement this year

Ayon kay Fauci, posible ding magkaroon ng serious impact sa health services sa buong US ang mabilis na pagkalat ng Omicron.

Hindi malayo aniyang maging super stressed muli ang mga ospital.

Read More:  Philippines, Canada aim to conclude free trade agreement this year

Kaugnay nito ay nagpaalala si Fauci sa mga tao na panatilihin ang mga pag-iingat gaya ng pagsusuot ng face mask at ang social distancing.

Maliban dito, pinaalalahanan ni Fauci ang mga Amerikano na magpabakuna na habang ang mga nabakunahan na ay dapat magpa-booster shot.