5 vaccination sites sa Guinobatan, Albay sinagawa ang 2nd round ng national vaccination day

Legazpi City- Nagsimula na kaninang 8 ng umaga ang 2nd Round ng National Vaccination Day sa limang vaccination area sa bayan ng Guinobatan Albay.

Kabilang sa mga itinalagang lugar ang MORMS, Muladbucad Pequeño, San Rafael, Kenny Villlage at Sinungtan.

Read More:  Over 1,500 residents in Jose Abad Santos await relief as landslides block access

Ayon kay Mayor Gemma Ann Ongjoco, pinalawak ng Local Government Unit ang pagpapabakuna sa nabanggit na lugar dahil sa mas gusto ng mga residente na bawat barangay ay mayroong ginagawang pagbabakuna.

Aniya, makakatulong na rin sa lokal na Pamahalaan na mapataas pa ang coverage rate ng bakunahan sa bayan.

Read More:  Teacher dies after alleged muriatic acid incident in Bacolod

Base sa record ng Provincial Health Office (PHO) Albay nakapagtala ito ng 56% o 34, 666 ang total fully vaccinated. Target ng Lgu na maabot rin ang 70% target population o heird immunity laban sa covid 19.