12 patay, 7 nawawala matapos ang pananalasa ng bagyong Odette ayon sa NDRRMC

Pumalo na sa 12 ang napaulat na patay habang pito naman ang nawawala mula sa paghagupit ng Bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.

Sa briefing na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay sinabi ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad na umabot sa 84,674 na pamilya o 338,664 na indibidwal ang lumikas sa Mimaropa, Regions 6, 7, 8, 9, 11, at Caraga.

Read More:  Marcos warns LGU officials against corruption in ₱8.6-B disaster funds

Inihayag naman ni Jalad na dumadaan pa sa validation ng mga otoridad ang mga nasawi sa Siargao Island, matapos itong unang maiulat ni Surigao del Norte Governor Lalo Matugas.

Read More:  Senate court imposes sub judice ban on all VP Sara impeachment articles

Samantala, una nang sinabi ng NDRRMC kahapon na nakatanggap ito ng 95 requests para tumulong sa iba’t-ibang rehiyon sa gitna ng pananalasa ng bagyo.

Ibinahagi ni NDRRMC operations center chief Joe-mar Perez na 48.96% o karamihan ng requests ay nanggaling sa Cebu.