Fully vaccinated laban sa COVID 19 sa R-12, nasa 1.1 million na

KORONADAL CITY- FULLY vaccinated na laban sa COVID 19 ang 32.57% ng target na 3,490,115 na mga indibidwal sa Soccsksargen region.

Ayon kay Dr. Edvir Jane Montañer, immunization program coordinator ng Department of Health o DOH Region 12 na ito ay binubuo ng 1,136, 797 na mga indibidwal.

Read More:  Barangay chairman of Barangay Lamintak Sur, Medellin arrested for qualified theft

Ngunit ayon sa opisyal na ito ay masyado pang mababa kung ikukumpara sa target na 70% upang maabot ang herd immunity.

Samantala, dahil sa Bayanihan Bakunahan national vaccination days noong November 29 hanggang December 1, umabot na sa 1,926,633 na mga indibidwal ang partially vaccinated o 55.20% ng target population.

Read More:  13-year-old identified in Cebu school shooting threat

Ang Bayanihan Bakunahan Part II sa Soccsksargen ay isasagawa sa December 20 hanggang December 22 matapos itong kinansela dahil sa bagyong Odette.