Death toll sa drug war, 6,215 na; Higit 315k naman naaresto — PDEA

Tumaas pa ang bilang ng mga drug suspects na napatay sa war on drugs campaign ng gobyerno sa 6,215 as of October 31, 2021.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), 315,635 individuals ang naaresto sa buong bansa, mula sa 218,665 na legitimate anti-drug operations simula noong July 1, 2016.

Read More:  PPA prepares for expected surge in travelers during five-day ASEAN Summit holiday

Mula naman sa bilang ng mga naarestong indibidwal, 13,821 ang ikinokonsidera bilang mga high-value targets.

Mayorya naman sa mga illegal substances na nakumpsika sa operasyon ay nananatiling shabu sa 7,330 kilograms, sinundan ng marijuana (3,783 kilograms), cocaine (510 kilograms), at ecstasy (12 kilograms).

Read More:  Padilla urges supporters to stay calm ahead of November 6 DOJ hearing

Sa ngayon, may 23,270 barangays na ang ideklarang cleared mula sa ilegal na droga, habang 12,125 pa ang infested, anim na buwan bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte. //MHEL PACIA-TRINIDAD