Water tank sa Bgy. Bancalaan sa Balabac, bumagsak

Bumagsak ang Water tank sa Brgy. Bancalaan sa Balabac Palawan bandang alas-diyes ng umaga ngayong Huwebes.

Ito ay bahagi ng proyektong patubig ng Provincial Government sa barangay na malapit na sanang matapos at mapakinabangan ng taga- sitio Tabudniayo,Lindagong,Timbayan, Singcab at Centro.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Sa ngayon ay  inaalam pa ni Punong Baranggay Rolly Reyes ang tunay na sanhi ng pagbagsak nito.

“Almost finish na po yung project…nilagyan na ng tubig for a week na pero bigla lang nag-collapsed kanina … Wala naman pong casualty, praise God po.” –Kap. Rolly Reyes

Read More:  Tricycle driver shot dead in broad daylight by riding-in-tandem gunmen in Cebu

Target na mapakinabangan ang tubig mula rito sa darating na buwan ng Enero sa susunod na taon.

Samantala, nakarating na sa Pamahalaang Panlalawigan ang insidente.

Photo credit: Punong Baranggay Rolly Reyes