86.4% ng mga guro, bakunado na

SORSOGON CITY – Nasa 86.4% na mga guro ang bakunado na ayon ito sa Department of Education (DepEd) Sorsogon Division’s Office.

Sa pahayag sa Brigada News FM ng Schools Division’s Superintendent (SDS) na si Jose Toots Doncillo, CESO V, sinabi nito na  mayroon pa silang nasa 14% na hindi pa bakunado.

Read More:  Coast Guard rescues eight crew members off Cagayan

Patuloy ang panawagan ng opisina sa mga guro na nagdadalawang isip pa rin na magpaturok ng bakuna,  bagama’t inirerespeto nito ang kanilang karapatan at mga personal na desisyon.

Read More:  Army conducts live-fire exercises as HRAN flags risks to Sipalay residents

Naniniwala naman ang nasabing opisyal na ang pagpapabakuna ang pinakasusi upang maging normal na ang lahat lalo na ang pagbabalik ng face to face classes.

Nabatid na ang Division’s Office ay may kabuuang 8,812 na mga guro.