Mga biktima ng HIV/AIDS inalala sa isang pagdiriwang ng misa

CAMARINES NORTE- Inalala ng simbahang katolika ang mga biktima ng Human Immunodeficiency Virus- Acquired Immune Deficiency Syndrome (HIV/AIDS) sa pagdiriwang ng Banal na Misa noong linggo.

Ang ikawalang Linggo ng Adbiyento ay itinalaga bilang National  AIDS Sunday upang ipagdasal at alalahanin ang mga biktima ng naturang sakit.

Nagkaroon ng symposium sa Parish of St. Francis of Assisi sa bayan ng Talisay na dinaluhan ng grupo ng mga kabataan at iba’t- ibang organisasyon.

Read More:  Viral Bulacan cop removed after brutal assault on wife

Bahagi ito ng HIV/AIDS awareness campaign ng Provincial Health Office katuwang ang Channels of Hope at ang lokal na simbahan

Noong December 1 naman sa pagunita ng World Aids Day ay nagsagawa rin ng aktibidad patungkol dito sa Camarines Norte State College Labo Campus.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH) hanggang noong Agosto 2021 umakyat na sa 126 ang kaso ng HIV AIDS sa Camarines Norte mula noong 1984.

Read More:  Tricycle gutted by fire in General Santos City after welding accident

Nakapagtala rin ng isang kaso noong Agosto kaya’t mula Enero hanggang Agosto 2021 ay mayroong 11 nadagdag.

Nangunguna pa rin ang Camarines Sur sa may pinakamaraming kaso na mayroong 629 at Albay na mayroong 529.

Sa kabuuan umaabot sa 1, 708 ang naitalang kaso ng HIV/AIDS sa rehiyon.

Mula Enero hanggang Agosto nitong taon ay mayroong 183 bagong naitalang kaso sa buong rehiyon.