Higit 7M COVID shots sa ‘Bayanihan, Bakunahan’ naiturok

Pumapalo na sa mahigit pitong milyong doses ng COVID-19 vaccine ang naiturok sa unang tatlong araw ng mass vaccination drive.

Pero ang naturang bilang ay mababa parin mula sa revised target na pagbabakuna sa milyong shots sa ilalim ng ‘Bayanihan, Bakunahan.’

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Sa gitna nito, sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, head ng National Vaccination Operations Center (NVOC) na hindi pa naman kompleto ang report na naibibigay sa kanila.

Ayon kay Cabotaje, 85% ng 7.6 million doses ay first shots, 3% bilang booster at ang iba ay second doses.

Read More:  House prosecutors await VP Sara’s appearance in impeachment trial

Sinabi nito na ang Calabarzon, Central Luzon at Central Visayas ang nanguna sa mga rehiyon ng may maraming nabakunahan, habang ang top performing provinces ay ang Cavite, Laguna, and Cebu. //MHEL PACIA-TRINIDAD